Friday, 29 August 2008

blessing from the gods/ pagbati kay pam

parang may blessing from the gods yung set namin kagabi. sabi nga ni owel sobrang tight nung mga kasama naming banda sa lineup (salamat up dharma down, purple chickens, halik ni gringo at ciudad). tas kami hindi kami masyadong nagpractice pero parang ang tight din namin. kami kasi nahuli tas inaantok at pagod na pero ok lang. game na game pa rin naman.


kagabi maraming mga friends at old friends ang pumunta sa attraction reaction tas ang saya saya nung gig. kaya lang pumunta ata sila (lalo na yung old friends) kasi akala nila may ibebenta na kaming themesongs. pasensya na sa mga umasa.

salamat sa mga pumunta at sa mga taong hindi pumupunta sa mga gig masyado (mygee, JOREM LIM, vikki, mimay, shana, at pam). gusto ko pala idedicate yung bato kay pam catameo kahit late na kasi malungkot siya at yung bato parang resignation sa lungkot dahil sa sawing pag-ibig pero ok lang yun kasi nagiging ok naman ang lahat pagkatapos.

Bakit ang bigat bigat
Nitong ating pasan pasan?
Parang nung binubuhat
Natin dati ang gaan gaan

May nagtirik ng pader
Kung saan tayo dumadaan
Tila nawawala
Tila tayo'y nababakuran

May hinihintay akong mangyayari
Tapos sasabog ako
Unti unti na madudurog
Ang puso kong bato…

Bakit ang bigat bigat ng bato?

-ean

9 comments:

  1. wow! heavy.. astig! haha! nice one
    thank you ean!
    galing niyo!
    it was nice seeing you again. MANONOOD DAW KAMI ULIT NI MIMAY NG GIG NIYO. ssshhhh... hehehe

    ReplyDelete
  2. naku naku naku. si Jorem yung dumalo. (Palibasa mas muka na kong matanda sa kuya ko)

    ReplyDelete
  3. haha sorry mindless typing. sensya na medyo antok pa. i edited it already!!!! salamat JOREM LIM!!!

    ReplyDelete
  4. hahahaha yikee :p uy!!! wag kang magpakalungkot. life is too short to be sad.

    ReplyDelete
  5. tama!!! :D sige sige. love you pam!

    ReplyDelete
  6. parang inspirational postcard yung picture hehehe :)

    ReplyDelete
  7. ahahaha. walang anuman sa uulitin. congrats uli.

    ReplyDelete
  8. hahahaha pwede gawin nating merch.

    ReplyDelete