Wednesday, 25 June 2008

renaissance

shirley friends, can i just say na ang GANDA nung self-titled 3rd album ng itchyworms. bili kayo pag makakita kayo ng kopya.

ang galing, kakalabas lang nung bring your friends, tas lumabas ngayon yung self-titled ng worms, tapos nung isang buwan yung helicopter ng pedicab, yung marcus highway, haha ang ganda lahat.

naalala ko yung 2001 na lumabas yung brownbeat allstars debut album, yung unang album ng sago, ng worms, imago. saya nun. tas yung parang comparative na patugtog sa pagitan nung hello mico ng ciudad, pati yung little monsters ng worms, pati yung belated but intense sa wakas ng sugarfree. tas feeling ko this year parang parallel year of intense releases.

seriously, honestly, hindi ko inexpect na magugustuhan ko ng ganito yung bagong album ng worms. i mean paglabas nung noontime show nila na-floor ako, tapos naisip ko pano nila susundan yung album na yun? tas nabalitaan ko na yung sunod nilang album hindi ganun ka ambitious, non-concept songs album lang. nag-uusap kami ng kaibigan ko (hi jaton!) haha tapos in agreement kami na parang pag na-set mo yung bar ng ganun kataas (yung tipong may 12 minute art rock song ka to end your wonderful concept album) di ka na pwede maging ordinary nalang...

pero pucha yung self-titled nila hindi ordinary at all. parang compilation album sya ng concept songs haha. early favorite ang "gusto ko lamang sa buhay" tapos siguro lss ko sya hanggang sa mahanap ko yung next favorite sa album. parang narealize ko din na hindi yung concept ng nts yung strength nya, yung songwriting, kahit medyo disjoint. mas gusto ko yung beer, at buwan, at love team, tapos parang mas malayo sila dun sa "artista" angle, tapos yung self-titled parang puro ganun. omg.

tinext ko si jugs sabi ko parang blue album ng weezer vs the outfield (thanks jing haha). ang ganda gandaaaa.

nainis tuloy ako na hindi pa labas yung shirley album. hahaha. i love you itchyworms!

-owel

7 comments:

  1. "parang blue album ng weezer vs the outfield"

    uy mukhang maganda nga yan! :D yung "loveteam" actually yung parang the outfield sa akin :D makaiskor nga ng bagong worms album :)

    ReplyDelete
  2. kasama kayo sa parallel year of intense releases! kayo na lang ang hinihintay anubah :D

    ReplyDelete
  3. yun ay kung this year lumabas ang themesongs hahaha

    ReplyDelete
  4. positive thinking owel, hahahahaha ;-)

    ReplyDelete
  5. I love itchyworms! Super fan ako hehe.

    ReplyDelete
  6. ang ganda ganda ng self-titled!!! favorites ko yung "bugbog sarado" (bakit ba ganyan ang females? ine-exag ang minor details haha) lalo na yung "freak out baby" song of the year!!! ang asshole nung lyrics pero sobrang nakakatawa ang rico j. puno!
    may spoken word part si lourd de veyra: ang mga babae libo-libo ang kulay parang RAINBOW hahaha.

    tas kapag malungkot ko papakinggan ko na lang yung "awitin para sa mga nagmumuni-muni" it will save lives. haha.

    itchyworms i love you i second the motion!

    ReplyDelete