disclaimers muna.
sinubukan kong isulat tong post na to na english para coherent sa shirley blogging, tapos di talaga kaya. parang ang yabang kasi kung english, dapat tagalog. haha.
marami pa akong hindi napapakinggan this year (katulad nung bagong jens lekman, pati may live album pala yung life without buildings?!) na sure ako sobrang ganda, kaya hindi ito all encompassing best of 2007 list. this is a most important to owel in 2007 list. haha. tapos di ko sinama yung mga masyadong malapit sa akin, yung may involvement ako. haha.
hindi ito parang best album best song best something. isiping parang bookmark, na nakaipit sa loob ng libro. isang kanta sa loob ng isang album na nagkkwento ng something na musical at mahalaga.
tapos this year pumasok ako sa music production sa csb, naging host ako ng isang show sa rj underground radio, nag-record ang shirley ng debut album, nagscore ako ng full length na pelikula, at nameet ko si cat (na part ng unpopular radio). kaya ganito yung pinakinggan ko haha. labo.
10) lil mama - lip gloss
http://youtube.com/watch?v=BCvXzjGRnKc
yung 2007 tungkol sa kickdrum at handclaps. tungkol dun sa unang snare hit sa umpisa bago pa dumating dun sa "ella, ella" hook ni rihanna. tungkol dun sa pinagkaiba ng the eraser ni thom yorke at ng in rainbows: phil selway na nagwawala. yung 2007 taon ng rhythm section, yung tug pak tug pak na hindi na kelangan ng iba pang layer ng tunog, yung lip gloss na cool at poppin.
09) sugarfree - ikaw pala
http://sugarfreecombo.multiply.com/
yung talaarawan na album ng sugarfree hindi ko talaga masakyan. maganda sya, pero sa wakas boy ako, through and through. naaalala ko pa nung launch nung sa wakas, freedom bar. back in the day. so yun laking gulat ko nung narinig ko yung kanta na to. ang ganda. "ikaw pala ang aking hinahanap" sabi ni ebe. tapos yung riff parang familiar, konting tip of my tongue action tas narealize ko "ripples" sya ng trembling blue stars. galing sa broken by whispers album. di naman sa sinasabi kong nirip-off ni ebe yun, malamang coincidence lang, magical alignment nung Fadd9 -> F (tama ba yung music theory ko? haha). tapos nung narealize ko putangina pareho ng kinakanta si ebe pati si bobby wratten. "i want to write songs about two strangers starting out, its been a long time since i fell, its time you knew as well" tapos parang shet babalik yung chorus ng kailan ka ba sa outro "sino nasan kailan ka ba" tapos sasagutin nung chorus nung song "ikaw pala" tapos you have a winner. yung 2007 taon ng love song. may 11 attempts sa shirley album. yung purplechickens tungkol sa girls yung mga kanta nila, so pwedeng implicit love songs (haha). tapos eto magic, yung bagong tagpo, yung i found it feeling. may syncretic element, dalawang malayong di magka-ugnay na bagay sa mundo na nagsasabi ng isang katotohanan.
08) bon iver - re: stacks
http://www.myspace.com/boniver
nag-trade kami ni pol yap ng mp3s this year tapos nung pinakinggan nya yung for emma, forever ago album ng bon iver tinext nya ako sabi nya "nakaka shed-a-tear" haha. mag-isang mama (si justin vernon), kaka-disband lang nung banda nya tapos nag-kulong sya sa isang bahay nung winter (kaya bon iver = good winter) tapos isang buong album ng sobrang gandang mga kanta. paborito kong album this year. yung falsetto nya na puno't dulo ng lahat ng damdamin nung album. tapos yung salita na parang liham, sulat kamay para sa isang minamahal na magbabasa. syempre procedural, sequential. may bagong tagpo, may i found it feeling (sa #9), kaya pagkatapos nun may pagbabago, may pagmulat. "today is kumran, everything that happens is from now on" sabi nya, yung kumran yung lugar kung san nahanap yung dead sea scrolls. parang liham, sulat kamay para sa isang minamahal na magbabasa. "your love will be safe with me." tapos maniniwala ka tapos matatapos yung album tapos repeat all tapos ang saya tapos shed-a-tear. best album of 2007.
07) beirut - elephant gun
http://www.youtube.com/watch?v=kjeh6P4sRfw
narinig ko yung kanta late 2006 pero lumabas yung lon Gisland ep ng 2007 so pwedeng dito ko ilagay. medyo madaya, pero karapat-dapat. world music na hindi, yung hurdy-gurdy yung accordion yung parang weird na ukulele-mandolin-rondalla instrument, pati yung HORNS. yung horns yung buong kanta. pang national anthem, parang may bayani na namatay horns. may mga kanta na parang normal lang pero lagyan mo ng torotot tumba ka sa ganda. last year yung paborito kong kanta (although di ko ginawan ng list, number 1 song last year ay "dress up in you" ng belle and sebastian) naging paborito ko dahil sa horns. tapos parang
kalahati ng kanta yung actual na "kanta" tapos kalahating kanta nagccrescendo, "let the seasons begin" tapos sobrang tapang as in brave, sobrang brave new world explorer sobrang this is new and i am ready. narinig ko tapos naging anthem sya, end of the year, beginning of the year, tapos andaming magbabago tapos game. tapos parang alam ko na madaming magbabago pati na handa ako dahil dun sa kanta? sinabi nya sa akin.
06) sean kingston - beautiful girls
http://youtube.com/watch?v=Lt6o8NlrbHg
this song was 2007. putangina lss all the time. overplayed to death. tapos ang ganda ganda nya. eto yung walang kamatayang stand by me ni ben e. king, sa bagong konteksto. (nung lumabas yung "banyo queen" ni andrew e natuwa din ako, so baka yung sample talaga. pero di hamak na mas maganda yung beautiful girls sa banyo queen.) counterpoint nung melody nung original, tapos catchy in a great way. ang galing. sobrang sarap kantahin lang sa utak forever and ever. tapos love song sya!!!! tungkol sa babae na maganda!!! tapos ang ganda nung moral of the story. iiwan ka nya tapos magpapakamatay ka kasi sobrang ganda nya tapos napasayo sya pero hindi na ngayon. is it better to have loved and lost? dapat ba talagang humanap ng pangit? tapos yung pinakamahalagang part nito, yung boses ni sean kingston. yung tamang cross nung mainstream dancehall ni sean paul (bat puro sean?) pati yung rnb gangsta nila akon, neyo, at kung sino pa. tapos yung boses, pati yung panalong lyric, na-meet yung panalong sample, e minsan lang mangyari yun. tapos nasa radyo pa all the time. good for us. haha.
05) musical o - ocean
http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewprofile&friendID=106186354
demo recorded nung 2006, pero nakilala ko yung kanta this year. very nice boys, mababait, magaling tumugtog, may taste sa nota at sa timpla. tapos ang husay mag-sulat. terno labelmates at mga familiar faces sa school of design and arts (musicprod represent hehe). pero kahit hindi ko sila kilala, pati kahit kupal silang lahat, sobrang sobrang sobrang ganda ng ocean. nung una kapansin-pansin yung malabong pagka-kabit nung bagsakan sa ending, yung weird na part kung san magddrop out lahat nung instruments tapos si marco yung kanyang SEARING LEAD GUITAR TONE (haha) yung maiiwan tas biglang hahabol si miggy tapos wow tas balik ulit dun sa ascending na linya tapos wow ang ganda. yung ultimate na performance nung kanta na yun narinig ko nung death cab night this year, sa route 196. ang lakas ng volume, pero hindi maingay. tapos yung tenga ko sawa na sa ben gibbardness nung gabi (di sila nag-cover pero parang di kelangan) tapos shet ayun yung bagsakan outro tapos ang galing. upon closer inspection however, lalong gumaganda yung kanta. yung kanta love song! haha. 2007, year of the love song. yung persona ng kanta may natagpuan (parang #9 ulit!) tapos natatakot sya! wow! art mirroring life!! tapos yung outro bagsakan, may kasabay na vocal: "i wish i was strong enough to anchor myself down" (!!!!) putangina may ocean tapos yung love yung ocean tas shet haha. di ko maexplain it's more than words. i love you marco dinglasan, you made my year. haha. (ang hirap mag-sulat tungkol sa musical o na hindi nagiging gay)
04) the purplechickens - anumang oras ay hindi mahalaga (girl asks for the time)/ ean aguila - nakauwi na
http://thepurplechickens.multiply.com/
http://bolerooffire.multiply.com/music/item/12/Nakauwi_Na
ito medyo madaya pero majujustify ko. dumating yung parehong kanta sa akin ng halos sabay, tapos nag-intersect sila ng para sa akin, tapos parang isa lang yung ibig sabihin nila (sort of), parang surpresa. kasi (kabanda at higit pa dun) kaibigan ko si ean, kakilala ko sya ng halos dekada na ang lumipas. tapos naging bahagi ako ng manox, natugtog ko pa yung ibang mga bagong kanta na lumabas sa girls, etc. live. tapos biglang sinulat ni ean yung nakauwi na at biglang tinugtog ng manox (na partida absent pa si mr marco harder) tapos hindi naman sa hindi ko inisip na kaya ni ean/manox yun, pero sobrang nagulat ako kasi may mga sobrang gandang kanta na nanggaling sa sobrang lapit na lugar na hindi ko ineexpect at all.
pangalawa, nandun ako nung nirerevise ni ean yung nakauwi na. 630am sa camalaniugan, kaka-agahan lang dun sa scott burger ba yun? proximity attraction. kahit malayo ako at hindi ko alam yung kwento e sobrang ganda pa din nung kanta. pero dahil sa malapit ako at alam ko yung kwento, e mahalaga sya sakin, yung alaala na na-trap sa amber tapos nafossilize tapos pwede ko pakinggan 30 years from now tapos maaalala ko yung mga nangyari tapos babalik ako sa camalaniugan. tapos dahil sa malapit ako at alam ko yung kwento, mas malinaw yung intersection ng girl asks for the time at nakauwi na. parang question and answer, dalawang love song (2007 year of the love song!) na magkasunod yung tema. yung nakauwi na, malayong paglalakbay. yung kung gano kasaya yung moment of arrival. tungkol sa pagdating. tapos yung chorus na sobrang ganda, yung vocal line na sinusundan nung gitara, "pwede bang tumira sa 'yong kaharian?" tanong na earnest at wistful at cheesy at sobrang pamatay. i love you ean. tapos yung anumang oras, na paglalakbay na papunta't pabalik (paroo't parito). yung what now, yung plan b (haha pun!)! tapos yung pamagat pa, na palagi kong namimisread. alam ko oxymoron pero parang visual mondegreen. girl asks for (the) time. girl asks for time. as in panahon. konti pang oras? yung pagdating na wala sa panahon? yung ensuing confusion yung inaasahan at yung nangyaring di inaasahan yung almost not quite. ang galing nung kanta, makapal na sparse, tapos muntik nang di pa masama sa album. tapos yung chords pati yung salita parang iba yung pinupuntahan, paakyat pati pababa, tapos yung chorus nung nakauwi na parang sabay, sa isang direksyon? o ako lang ba yung nakakarinig nun tapos pinipilit ko yung association nung dalawang kanta? parang continuity sa dalawang magkaibang kanta na nanggaling sa magkaibang tao? syncretic at mahiwaga at big deal this year. i love you ean, i love you manox. ganda ng album nyo. hehe.
3) MGMT - time to pretend
http://www.myspace.com/mgmt
itong kanta na to out of nowhere naging major lss. ito yung tipo ng kanta na repeat buong araw tapos yung lyrics parang wow iniisip ko to all the time pero hindi ko alam kung pano sabihin, yung vicarious fantasy yung sex drugs at synthpop. "live fast and die young" tapos parang wow yun yung iniisip ko at the back of my head tapos kinakanta nya tapos parang ang sarap makikanta. dancing alone in your room music. eto yung tipong kanta na papakinggan mo kahit na anong pakiramdam mo tapos mafeefeel mo na may kelangan ka pang gawin sa buhay. rocky paakyat ng stairs music. love song love song, putangina let's find some models for wives. ang galing. hedonist revision ng buhay mo, in your head. yung idea na hindi mo dapat ikahiya na may pangarap kang malabo, yung tonic-dominant pati dominant-tonic na movement, yung finding "home" tonally, pati vicariously. it's all in the mind. nakauwi ka na in your mind. what you'll never have can't hurt you. it's time to pretend.
2) feist - 1 2 3 4
http://youtube.com/watch?v=p8Z-DIAthbM
yung 2007 yung year ng love song. tapos ito yung nanay nung lahat ng love song ever. smart informed love, adult love, at hindi adult na bastos a. yung growing up love. yung 2007 year ng growing up. andami dami dami dami kong natutunan this year tapos parang sinulat sa kanta na to, ang galing ni feist. parang, yung growing up yung pag-kilala mo sa sarili mo yung greatest love of all yung walang kamatayang pag-intindi sa sarili yung kalyo sa puso yung simple as pie na rule: when you're older it's different na. another year older another year wiser. tapos yung boses, yung boses! ang ganda ganda ng boses ni feist. sana pwedeng ilagay sa bote yun tapos bubuksan mo yung bote tapos may bulong nya tapos goodnight tapos pwede ka nang hindi magising. yung simple lang na maganda, yung sparse na malaman, yung banjo!!! yung handclaps!!! yung performance sa letterman na sobrang dami nilang nag "woah" lang! yung video na pinakamaganda EVERRRRR! yung 2007 year ni feist. ang ganda nung album nya. the reminder = album of the year kung wala yung bon iver na album. haha.
1) lcd soundsystem - all my friends
http://youtube.com/watch?v=FlogJqMFaYA
hands down without a doubt winner ng pinakamagandang kanta this year, in the running para maging pinakamagandang kanta this decade. 7 minutes at 37 seconds na parang sandaling sandali lang, paulit ulit na parang walang katapusang sobrang ganda. yung intro na piano, yung drums, yung gitara. lahat talaga tama. lahat tama. may kwento sa internet na sinasabi daw ni james murphy na masyadong maganda yung all my friends para sa lcd soundsystem (banda nya!!! haha) tapos sinusubukan nyang maghanap ng ibang banda na pwedeng umangkin nung kanta, tapos sya magpproduce or something. pero walang kumagat, kaya kelangan na ikwento ng lahat ng tao na nakarinig na nung kanta sa ibang tao na di pa nakakarinig na sobrang ganda nung kanta, pero hindi sikat hindi big name yung artist kaya kung pwede pakinggan nyo, sandali lang sya, 7 minutes at 37 seconds. "that's how it starts" (!!!) tapos ikkwento nya sayo yung buhay mo. yung parang whip na drum sound sa intro, papasok 35 seconds into it tapos sobrang 80s na parang tangina seryoso ba to tapos marerealize mo na nagsimula yung kanta sa crescendo tas tuloy tuloy na yun hanggang ending. tapos yung boses nya na parang sigurado pati natatakot (?) at the same time. yung mga plano, yung mga kaibigan mo yung lahat ng gusto mong mangyari, yung "that's how it starts" na second time, iba yung pagka-kanta tapos sabay pasok yung gitara 2:15 into the song. heart of the sun, sun coming up, staggering home, yung synth sound sa 3:22, parang musical na ambulance, may mali pero magandang mali, yung "i wouldn't trade one stupid decision for another five years of lies" tapos marerealize mo fuck ilang taon na si james murphy? tapos sa wikipedia makikita mo na pinanganak sya 1967 tapos putangina party music to a, tungkol dun sa hedonist revisionism (ng #3) pero galing sa senior mo, tapos buhay pa sya after living fast and not dying, tapos sinasabi nya sayo na may sikreto sya, na "if i'm made a fool on the road there's always this" "if i'm sewn into submission there's always this" tapos tatanungin ka nya kung nasan kaibigan mo tapos synth crescendo tapos di pa tapos yung kanta umaakyat pa rin tapos pumuputok na yung sky kasi new year tapos isipin mo sa sarili mo kung yung sikreto ba nya e may kaibigan sya? yung growing up na ginawa mo yung lahat ng gusto mo tapos alam mo na pinagdaanan mo yun. "it comes apart like it does in bad films/ except the part where the moral kicks in" tapos alam nya na hindi mo dapat sabihin sa indie crowd yung moral kasi pag masyadong obvious hindi ka cool. tinanong ka nya. the socratic method as club anthem. pinakamagandang kanta ng 2007.
honorable mentions:
5) animal collective - strawberry jam
http://youtube.com/watch?v=fxvGHQHiY70
sobrang hypercreative na mga tao na walang harang sa utak parang malaking malaking malawak na outerspace lang. ang galing nila. baka magets ko yung album next year.
4) radioactive sago project - tangina mo andaming nagugutom sa mundo fashionista ka pa rin
http://www.radioactivesago.com/
pinaka advanced na banda sa pilipinas, breaking new ground. wild. kumakanta na si lourd, watch out. haha. pero tangina pag gig nila ang wow e. isipin mo parang andami mo pang kelangang malaman kasi ang galing nila haha. tapos pinaka panalong lyric this year, courtesy ng mambo rat: "super tulis ng tite" hahaha.
3) gwen stefani ft akon - sweet escape
http://youtube.com/watch?v=8tEROk-Y27Q
ang ganda. bad girl sya pero love ka nya kaya magpapakabait sya. tas ang hot pa ni gwen stefani hanggang ngayon. what's up g.
2) the squeezers - address
http://squeezers.multiply.com/
total surprise. naalala ko yung early days nung nagsisimula pa lang kami magbanda. ang ganda ganda nung kanta, tapos yung chorus, na nagbabanggit lang sya ng address nung "place to be" e pure genius. haha. narinig ko lang sa rj underground, kung wala ang rj di ko maririnig to. what's up rj, ru listening to ur? hehehe
1) spazzkid!!!!
http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewprofile&friendid=75820769
si spazzkid walang katulad, lalo na dito sa atin. no offense to the old guard of pinoy electronica pero di ko masakyan yung dati, kasi ang hinahanap ko parang dntel parang postal service. tapos dumating si mark redito to save the day. i love you mark!
tapos babanggitin ko na din na yung transcendental gig this year yung binky lampano gig sa rj bar! ang galing galing nila. si simon tan di na kelangan ng guitar player, kasi kaya ng two hands nya yung lahat ng notes na kelangan. tas si binky lampano di kelangan ng mic! yun ang boses!
wooo. next year shirley album!!!!!
haha ang haba ok thanks for reading. comments would be appreciated. haha.
-owel
i love elephant gun and sweet escape :)
ReplyDeletei love the concept. :D
ang dami ngang may gusto ng 1234 ni feist. favorite ko yung "Limit to Your Love" sa The Reminder :)
ReplyDeleteDi ko binasa lahat, pero gustong gusto ko yung nilagay mo tungkol sa 1 2 3 4.
ReplyDeleteAnd the Letterman performance was golden :D
i have to agree that "beautiful girls" was indeed 2007! and yes, i found it catchy and poppy and pwedeng pang LSS talaga -- does that mean we have the same pop sensibility? MGMT - agreed, maganda nga tong kanta na to, i think it was you who sent me this song? or was it Cat? Musical O - agreed. magaling nga sila. i dont know any of their songs but everytime i hear them live i cant help but bob my head. and thanks for the honorable mention. Happy New year to the you guys and im sure ill see more of you next year. cheers!
ReplyDeleteI love you Owel! Leaked pala yung copy natin ni Bon Iver! :*
ReplyDelete("Live fast and die young!")
mahal na mahal ko yung theme song remix ni mark eh.. hehe..
ReplyDeleteno doubt.. the best si spazzkid..
and pag minix pa with a.b.s. music.. nako!!!!
wow . that's it . damn . i love it . napaka~thorough ng review mo . =)
ReplyDeleteelephant gun is really great, haha. sweet escape also. thanks for reading hehe -owel
ReplyDeletemaganda talaga yung album! yung 1234 magandang take-off point lang hehe, pero yung paborito ko sa the reminder intuition :D
ReplyDeletepero mas maganda yung version sa black sessions nya hehe
-owel
basahin mo lahat! hehehe
ReplyDeletethanks!
-owel
yes! oo pareho tayo ng pop sensibility!! hahaha love you spazzkid! tapos yes ako nagsend ng mgmt hehe :D honorable mention kasi di ako na-emo sa kanta mo hahaha. 2008 more collabs! tas yung albums natin! yeehaw
ReplyDelete-owel
i love you cat! hindi pa sya 2007 release? wow haha. so ang album of the year feist!!
ReplyDelete-owel
haha may ibang banda na a.b.s! magaling din sila, nakasabay namin sa a berri merry christmas gig ng bluberri jam studios. siguro nickname ng ang bandang shirley "shirley" nalang para sure haha.
ReplyDeleteat oo the best si mark "spazzkid" redito! haha
-owel
thanks! gawa ka din tas compare tayo ng best of 07 hehe happy new year lyra!
ReplyDelete-owel
sobrang astig na magkapantay ang nakauwi na at girls asks for time!! happy new year owel!!
ReplyDeletehahah aasahan ko yan! HAPPY NEW YEAR BANDANG SHIRLEY!
ReplyDelete