Sunday, 9 September 2007

Kung Ikaw ay Magbe-bass

“I play the bass because I like to play the bass” – sagot ko sa tanong na “How long have you been playing the bass?” sa isang radio interview sa LA 105.9 (circa 1994)

Ako si Jing Gaddi. Bahista ako. May kailangan pa ba kong sabihin? Maraming haka-hakang umuugong na kapag bahista ka, wala kang imik o di kaya’y masyado kang balot sa sarili mong mundo. Oblivious ba? Bagkos may kaunting katotohanan yan, di rin naman parating swak. Sari-saring tanong ang sumalubong sa akin, pero ang pinaka malimit ay “Bakit bass?” Simple lang ang sagot, “I play the bass because I like to play the bass” 'Nuff said.

Marahil nabasa ninyo na sa magasin o naulinigan sa mga usapan kung ano ba ang halaga ng bass sa isang band setup. Kung hindi, marahil kayo yung mga taong oblivious na merong such a thing as a bass sa isang band setup. Frankly, I have nothing against those na oblivious sa existence ng bass. Masyado kasing focused ang marami sa mga mas-obvious na tunog tulad ng tambol at gitara. Marahil, tinuring din nilang gitara ang bass. Kung sa bagay, bass "guitar" din naman ang karaniwang turing sa kanya.

Subalit, lingid sa kaalaman ng marami (sana hindi na ganun karami), merong special at unique function ang bass sa isang band setup. Kakaiba ang bass dahil it possesses both rythmic and melodic properties. Sa palagay ko, ang pagiging doble-kara ng bass ang siya ring dahilan kung bakit hindi siya gaanong pansin ng karamihan ng manginginig. Because it plays a melodic fucntion, kadalasa'y naoovershadow siya ng mas ear-friendly na gitara. "Ear-friendly" because mas madaling madinig ang gitara dahil sa pitch range nito which is generally mid to high frequency. Samantala, dahil mas sakop ng bass ang mga low frequencies (kaya nga "bass" duh), hindi siya upfront at mahirap siyang maulinigan. At dahil madalas rin kasing sabay at kumakabit ang bass sa kickdrum, all the more it gets relegated to the background -- to the point na iisipin ng manginginig na walang bass.

Ito ang madalas na stigma ng bahista -- that of being in the background and thus not as "important" as the guitar (a primarily melodic instrument) or the drums (a primarily rhythmic instrument). But just ask any empowered bassist. S/he will tell you: In this dual role lies the true power of the bass.

Because you wear two hats, you can control both the rhythmic and melodic direction of a song. Drop the bass out from the mix, you get that "bakit parang butas yung tunog?" feel. Although some may argue that some bands have no bass in their band setup. Despite this, and upon careful listening, di mapagkakaila na may ibang instrumentong gumaganap ng bass role -- maging gitara, keyboard o kung anuman. The point is, paramount na mag-lock ang rhythm at melody sa isang kanta. The bass acts like glue, melding the other instruments, vocals included, into one organic sound which will either make you want to shake your thang or sing your heart out... or both... at the same time.

=jing=



4 comments:

  1. i LOVE the bass. i think it's what i look for in the songs i like. i noticed a few years ago that one of the mysterious reasons i'd like a song would often turn out to be the rocking bass line. and i LOVE new order songs because of the melodic bass lines they have, some of them played in the rarely used high registers. i am totally aware of the bass's awesome power ^__^

    ReplyDelete
  2. Karapat-dapat na mahalin ang bass. Jing idol! :D

    ReplyDelete
  3. pareho rin pala tayong medyo inadvertent ang first encounters sa bass :) yung tipo bang may naririnig ako na akala kong gitara, pero hindi tapos bass pala yun! :D i soooo love new order too! :D i think peter hook is an awesome bassist. his melodic line in "love vigilantes" is so very evocative :) the same goes for cure bassist simon gallup as far as melodic bass playing is concerned. now you know why i love the cure so much ;-)

    ReplyDelete